THYAGO PALACIOS

thyago

“Gusto mo pa bang ipagsigawan ko na ikaw ang babaeng mahal ko para marinig ng lahat at maniwala kang mahal kita?”

Liyah’s idea of an ideal man was someone like her brother. She knew it was stupid. Nobody could be like her brother. Ngunit nang lokohin nito ang babaeng minahal, gumuho ang paghanga niya rito.

Thyago Palacios may not be her dream man. He was the exact opposite of her brother. In fact, he was a terrible plaboy. Malayung- malayo nga ito sa kuya niya na malambing at mapagmahal, pero susugal siya. Baka hindi rin ito katulad ng kuya niya na iniiwan ang babaeng minamahal…

EIZHIRO FIGUEROA

eizhiroHandang-handa na si Gianna upang sumali sa isang baduy na game show. Pakiramdam kasi niya ay iyon na lang ang pag-asa niya para makabayad sa lahat ng pagkakautang niya dahil sa kanyang papalubog nang computer shop.
Subalit sa malas ay mukhang hindi siya kinakasihan ng tadhana. Sa gitna ng malakas na ulan, isang rumaragasang asul na sportscar ang nagpaligo sa kanya ng marumi at nakapandidiring tubig-baha. Nasira tuloy ang makeup niya, ang kanyang magandang buhok, pati ang kanyang bagong damit at sapatos.

“Excuse me!” pasigaw na sabi niya, pagkatapos ay kinatok ang tinted na windshield ng sasakyan.
Napanganga na lang siya nang bumaba ang bintana sa driver’s side at dumungaw ang driver. It was Eizhiro Figueroa, The King of Frown. At iyon na yata ang simula ng lahat ng kamalasan sa buhay niya. Dahil kahit saan siya pumunta ay wala na itong dinala sa kanya kundi kamalasan.
Aakalain ba naman niyang pati puso niya ay raragasain nito?

ROMANOV CUERIDO

romanov

Naniniwala si Illyze na ang tadhana niya ay sa Stallion Riding Club. And Romanov Cuerido was her destiny himself. But he was known as the “Dark Lord” of the riding club. Kahit sinong taga-riding club ay takot dito. And he was lonely. Mas gusto pa nitong mag-horseback riding mag-isa, kumaing mag-isa at manatili sa madilim na villa nito kaysa may makasama at maging kaibigan ito.
While she believed in destiny, he hated it. Destiny took everything away from him. Magagawa pa ba niya itong mapaniwala sa tadhana at sa pag-ibig kung itinalaga na nito ang sarili na mabuhay nang mag-isa at walang pagmamahal?

ZAIRO MONTEVEDRA

zairo

Trizia hated everything with the letter “T” that day. Kinaltasan siya ng malaking tax, nahuli niya ang boyfriend niyang taksil na si Toby. And because there were no taxis around, she was harassed by some thugs.
Mabuti na lang at dumating si Zairo Montevedra at iniligtas siya.

Noong una ay wala siyang balak na pagkatiwalaan ito. Ang tingin kasi niya rito ay malala pa ito sa boyfriend niyang si Toby. Hamak na mas bolero ito at mabulaklak ang dila. And he spelled only one name for her: trouble.
But Zairo seemed ready to prove that he could easily tease his way inside her heart. And he made sure she couldn’t resist him.

PHILIPPE JACOBS

pjNapasugod si Celestine sa eskwelahan ng pamangkin niya dahil ayon dito, inaapi ito ng kaklase nito. At sa lahi nila, bawal ang nadedehado. Sa kasamaang-palad, nakatapat naman niya ang tiyuhin ng bata na si Philippe Jacobs, ang lalaking palagi na lang laman ng mga pantasya niya.

“Miss,ikaw ba ang umaaway sa pamangkin ko?” walang kangiti-ngiting wika nio sa kanya.

“Ha?” Luminga-linga siya na parang ibang tao ang kinakausap nito a hindi siya. “Ah,ako ba ang kausap mo?” inosenteng tanong niya rito.

“Yes, Miss. Ikaw nga ang kinakausap ko. Sabi nitong pamangkin ko, inaaway mo raw siya.”

Paano niya maipagtatanggol ang lahi nila, kung ang “nang-aapi” ay ang pinakaguwapong nakilala niya sa buong buhay niya? Wala siya sa mood na makipag-away kung ito ang kaharap niya.

DANRICK TEZZORO

danrick

Bonggang-bongga ang beauty ni Vienezze nang makasampa siya sa Stallion Riding Club. Malapit nang matupad ang pangarap niya na makasama sa mga elite at makapag-asawa ng isang guwapo at mayamang miyembro ng riding club.

Sa kasamaang-palad, isang guwapo, makisig at hot na maggugulay ang nakatakdang maging kontrabida sa pangarap niya–si Danrick Tezzoro. Ilang mga kababaihan na sa Stallion Leisure Spa ang nag-resign dahil sa pagiging terror nito. At mukhang siya ang bagong pag-iinitan nito.

Tingnan lang niya kung hindi ito lumambot sa alindog niya.

BEIRON RAFIQ

BEIRON RAFIQ

BEIRON RAFIQ

Lumaki si Khamya na hindi interesado sa mga lalaki. Until a prince swept her off her feet. Beiron Rafiq was a real prince. Isa itong maimpluwensyang royalty ng kaharian ng Al Ashiq at playboy rin. Nandito ang lahat ng katangian na iniiwasan niya sa isang lalaki.

But Beiron tried to prove to her that he could change for love. Hanggang kailan siya kakapit sa pangako ng pagmamahal nito? Was his love worth everything?